Wednesday, November 12, 2008
DURUNGAWAN
MATAPOS ANG UNOS
BALISONG
PAGPAPALAYA
PAANO
PAGLIPAS
PAGAL AT BATBAT
KABALINTUNAAN
marahil ito nga ang kabalintunaan ng buhay. pilit mong iniisip ang mga bagay na di dapat alalahanin. ngunit ako'y tao lamang mahina, nasasaktan at natitibag. sa bawat pagbayo ng mga alaalang iyong inihahatid sa aking isipan. sa bawat hamabalos ng pagkakataong ayaw nang balikan... AKO'y nalulugmok. waring lumulubog sa kumunoy ng pagdurusa at pagsisisi.
mahirap tanggapin ang iyong paglisan, di matanggap na bitiwan ang nakaraan na ating pinagsaluhan, sa kalungkutan at kaligayahan. ang iyong mga mata, labi at ang iyong kabuuan, ang iyong mga ngiti at halakhak na waring hele sa aking pagtulog.
naalala ko nang tayo'y magkasama pa, masaya akong nakahiga sa iyong kandungan, buong puso kong dinarama ang bawat haplos mo sa aking balat at ang iyong maiinit na hininga na dumarampi sa aking mukha. napakasaya ng mga oras na iyon, nais ko nang tumigil ang oras at ikaw ay makasama ko na habang buhay. ngunit iyon na pala ang huli nating pagsasama. bakit? ano ang nangyari? masaya naman tayo sa isa't isa di ba? bakit ka lumalayo? bakit mo ako iniwan nang mag-isa? ako'y nangungulila na sa iyong mga yakap. nais ko nang ikaw ay makapiling ko nang muli. muli sa aking mga bisig.
isang maulang gabi, kumukulog at kumikidlat. ako'y mag-isa lamang sa aking silid. sinisipat ang bawat sulok na puno ng iyong mga larawan. larawan na aking masingsing idinikit sa pader. walang makikitang bakenteng lugar. pati ang kisame ay pinuno ko na rin. ganyan kita kamahal. ngunit bakit? ako'y inawan mo. bakit? di mo ba ako mahal?
patuloy akong ginulo ng mga alalahaning iyon. sa pagod ng aking isipan ako'y nakatulog nang di ko nalalaman. dala ang sama ng loob na ikaw ang nagdulot. kayo ang nagpapahirap sa akin. ikaw... bakit di ko na madama ang dati ng init na dulot mo, ang mga haplos na iyong ipinadarama. ang pag-ibig na dati'y nag-aalab. mas lalo pang lumalim ang aking tulog waring ayaw nang magising dahil sa sakit na nadarama, sa pag-iisang ito na para bang pinagsakluban ng langit at lupa, at pinagkaisahan ng lahat. AYAW KO NANG MAGISING.
kaawa-awang nilalalang, bakit ganito ang aking iniisip. ayaw ko maging mahina. pipilitin kong maging malakas. manatiling malakas para sa aking minamahal. at ayun nga napatunayan kong mahal ko pa pala siya. sa desisyon na iyon ay may biglang may bumulagang liwanag sa aking mga mata. ako'y naalimpungatan, aba'y umaga na pala. naupo ako sa gilid ng kama iniisip muli ang mga bagay na kahit na sa panaginp ay gumugulo pa rin sa kanya. ngunit sya ay napagpasya na na. nais nyang maging matatag at ipaglaban ang kanyang damdamin.
siya ay nag-ayos ng kanyang sarili, handa na para sa mga gagawing hakbang para sa araw na iyon. para bang isang bagong panganak na sanggol na wala pang bahid ng pag-aanlinlangan at pagkabigo, isang taong puno ng pag-asa at pananabik sa aking mga minamahal sa buhay. handa na ako sa araw na ito, suot ang aking magarang damit, ang maliwalas at malinis na mukha walang bahid ng mga pag-taghoy na dulot ng kalungkutan at isa pang sulyap sa salamin kinuha ang pamada at inayos ang buhok ng panat na panat.
handa na nga ako para sa araw na ito, gagawin ko ang lahat para sa aking mahal. masaya ang araw na iyon. ubod ng saya. maligaya. muli ko na naman silang makikita. hindi na ako makapaghintay.
sa aking paglalakd, may naaninag akong tao sa di kalayuan. isang pamilyar na hugis ng katawan. waring kilalang kilala ko siya. sa paglapit nya sa aking kinatatayuan tunay nakinakabog ang aking puso na mistulang nais nang lumuwa ng aking puso. SIYA nga iyon. ang aking mahal. sa bawat hakbang nya ako'y kinakabahan at naliligayahan rin. ngunit bakit parang mali ang nakikita ko. bakit sya umiiyak. pansin na pansin ang kanyang kalungkutan.
pinabayaan ko na lamang siya, pinili ko na siya'y di ko na lapitan. marahil nakita nya rin ako. tumalikod ako at ayaw ko na dumagdag pa sa kanyang alalahanin. napatanong ako sa kanyang sarili. bakit siya umiiyak? sino ang nagdulot ng kanayang kalunkutan? sa pagdaan nya sa aking tabi wala akong nadama. blangko ang lahat. di tulad ng dati. napatanong muli ako sa aking sarili. bakit ganito? parang wala akong naramdaman. ah. marahil matagal din kaming di nagkasama kaya nawala iyong kakaibang sensasyon na iyon. di tulad ng dati.
sinundan ko sya patungo sa kung saan. saan kaya siya tutungo? pamilyar ang lugar na kanyang tinatahak. pamilyar na pamilyar. ngunit puno ng pighati ang lugar na iyon. kulay luntiang mga puno at damo. naalala ko na naman ang pagkakataong iyon nung kami ay masaya pang nagsasama. ako'y napangiti. ngunit bakit ganun malungkot pa rin siya. kulay asul at puting kalangitan. masaya at maliwalas ang kapaligiran tulad nung kasama ko siya. patuloy pa rin akong nag-aalala sa kanyang mga ikinikilos. malungkot at patuloy na tumutulo ang luha niya.
patuloy ko siyang sinundan. maingat na inihahakbang ang aking mga paa dahil baka makita niya ako. kakaiba talaga ang mga kinikilos niya. puno ng kapighatian at kalungkutan. bakit ito ang aking nadarama? ang lugar na ito. tama dito kami madalas magkasama. masayang nag-uusap at pinagsasaluhan ang isa't isa. ito nga iyon. ngunit malungkot siya. di ba dapat masaya ang mga alalahanin nya? sa pagkakataong iyon kinausap ko na naman ang aking sarili. nasaktan ko ba sya? ako ba ang lumayo? ako ba ang nadulot ng kalungkutan na iyon?
sa ilalim ng malabong na puno na iyo siya tumigil. at di na niya napigilan ang kayang sarili. humagulgol na siya ng iyak. sabay sigaw... bakit mo ako iniwan?. sagot ko naman di kita iniwan. ako ang iyong iniwan. muli nyang isinigaw... mahal na mahal kita!... tugon ko naman, oo minahal di kita higit pa sa aking sarili. patuloy pa rin siyang umiiyak at humahagulgol.
muli kong kinausap ang aking sarili, bakit ko patuloy na pinahihirapan ang aking sarili. bakit di ako lumapit at siya ay patahanin. handa na ako. gagawin ko na ito...
dahan-dahan akong lumapit sa kanya. unti unti akong humakbang patungo sa kanya. ngunit parang di nya ako napapansin. tunay ngang siya ay namimighati. kaunti pa ay may naaninag ako. isang bato... nakaukit ang aking pangalan... bakit ganun? ang kanyang mukha nakapatong sa batong iyon. patuloy na lumuluha. waring nais niyang linisin ang batong iyon ng kanyang mga luha. ang mga luhang iyon ay patuloy na nagpapahirap sa akin ayaw ko siyang makita ng ganun. ang bigat sa pakiramdam.
ako'y ubod na ng lapit sa kanya, nakapikit pa rin siya at naririnig ang kanyang paghikbi. muli siyang sumigaw. isinigaw nya ang aking pangalan. sumunod ang mga katagang ito: BAKIT MO AKO INIWAN? MAHAL NA MAHAL KITA. TUNAY MO BA AKONG MINAHAL? ISAMA MO NA LAMANG AKO. AYAW KO NANG MABUHAY PA. MAHAL, ISAMA MO NA AKO.
ako'y napangiti sa mga narinig at malinaw na din ang lahat para sa akin. di mo nga ako iniwan. patuloy ka pa rin naghihintay sa akin. Mahirap tanggapin ngunit kailangan magpatuloy. ako'y nagataka ano itong tumitigis sa aking mga mata? bakit di mapatid ang likidong ito? mahal sa aking paglisan narito ang aking mumunting alaala sa iyo, umulan ng malakas, umihip ang malakas na hangin. NAIS KONG IPADAMA SA IYONG KUNG PAANO KITA MINAHAL NG TAOS SA AKING PUSO.
Ito nga marahil ang Kabalintunaan nga ng buhay.